Amoy Ebak
Mansion

Kuwentong Ebak

Amoy Ebak

Bombang Erap

The Bicol Paradox

The Bubby Dacer Questions

Never Again

Brothers In Alms

MISTAH

Metamorphosis

Sigaw ng Bayan


Senate Impeachment Hearing!
Totoo mga 'igan, talagang amoy ebak ang naging botohan sa usapin na dapat bang buksan ang ikalawang envelope mula sa Jose Velarde account na isinumite ng Equitable-PCI Bank!?

Na-onse ang mga Pinoy sa naging resulta ng botohan dahil sa nanalo ang mga Senador na Pro-Erap dahilan para di na nabuksan ang envelope na magbibigay sana ng kasagutan sa mga katanungan ng bayan!

Ngunit ang katotohanan ay di maitatago ng makinarya at ng mga Senador na Tuta ng Malacanang sapagkat gising na at mulat sa katotohanan ang Taong Bayan!

Ang 11 Senador na bomoto upang hindi mabuksan ang envelope ang siyang mga Tunay na Hudas sa Bayan!

Wala namang sinasabing matino itong si Estelito Mendoza kundi puro Pamimilosopo at pakwela! Dahil alam naman nila na si Erap at Jose Velarde ay iisa!

Mga Kababayan ating pakatandaan ang mga pangalan ng 11 Hudas sa Bayan--Tatad, Santiago, Enrile, Honasan, Jaworski, Revilla, Coseteng, John Osmena, Tessie Oreta, Ople at Sotto!

Magkano kaya ang kanilang makukuha sa paghimud sa puwet ni Erap? GHmmmm...10, 20, 50 milyon?

Ang nagagawa nga naman ng pera sa mga taong gahaman at marurupok ang mga ulo at prinsipyo, pati kaluluwa at kapakanan ng bayan ay nalilimutan!

Kawawa ang ating inang bayan sa mga taong ganid at gahaman sa kapangyarihan!

Ngunit anu't ano pa man ang lahat ng ito ay may hangganan sapagkat mulat na ang Bayan sa inyong mga kalokohan!

Mga Kababayan hindi pa po tapos ang laban sapagkat ito ay ating ipagpapatuloy sa lansangan at ating siguruhin na pupuluting lahat sa Kangkungan ang mga HUDAS sa Bayan!

"My Loyalty to my Party Ends Where my Loyalty to my Country Begins."
Manuel L. Quezon
Kapakanan ng Bayan Muna Bago Sarili!
Erap, Resign Now Bago Ka Pulutin Sa Kangkungan!


Taumbayan Against Erap Movement (TAE Mo!)