TAUMBAYAN AGAINST ERAP Movement!
Mansion

Kuwentong Ebak

Amoy Ebak

Bombang Erap

The Bicol Paradox

The Bubby Dacer Questions

Never Again

Brothers In Alms

MISTAH

Metamorphosis

Sigaw ng Bayan


An Open Letter to Asiong Salonga

Kagalanggalang (?) na Pangulo,

Mahigit na dalawang taon kang nasa puwesto,
Wala kang nagawang matino!
Pinatunayan mo pagiging Sanggano!
Naghihinagpis ang Bayan Ko!

Nabighani pagiging artista mo,
Masang Pilipino, ika'y ibinoto
Di nila alam ang pagkakaiba,
Totoong buhay sa pelikula!

Pasumpa-sumpa ka pa,
Ala namang kakuwenta kuwenta!
Nakakapanindig-balahibo
Salita mo'y pawang di totoo

Walang Kamag-Anak, Walang Kaibigan!

Celia De Castro at Textbook Scam!
Di raw kaanu-ano pero umiskapo
Naging Yaya ng Baby ni JV kay Patty sa EU!

Libingan ng mga bayani para kay Macoy
Malaking insulto sa mga Pinoy!

BW Scandal at Dante Tan
Yasay pinilit mag-resign
Stanley Ho at Casino
Edgar Bentain biglang naglaho!
Natigil ang bunganga ni Morato!

Atong Ang at Lucio Tan
Mga Tsekwang kaibigan
Tunay na walang iwanan
Motto ng mga Kawatan!

Isa, dalawa, tatlo!
Mga kabit mo ay nasabit
Sa exposes ni Chavit!

Anak ng Jueteng talaga,Oo!
Boracay at iba pang Mansiyon
Saan galing ang datung?

Singkwenta y uno isang dolyar ang inabot ng Piso
Saan na patungo ang Bayan ko?
Kawawa naman ang Piso
At naghihingalo na ito

Namudmud ng lupa kuno si Johnnie Walker Blue
Para muling bumango sa mga Tao
Ngunit ano mang pabango ang gamitin mo
Lilitaw at lilitaw pa rin ang baho mo!

Para sa ikabubuti ng Bayan
Ang aking maipapayo
Hindi Impeachment,Referendum o Snap election
Kundi RESIGNATION ang kailangan
Bago ka pulutin sa kangkungan!

Gumagalang,

Joseph "Ebak" Estrada
Chairman
Taumbayan Against Erap Movement (TAE MO!)

Parang Awa mo na Pangulong Erap-Magresign ka na!
Opo,talaga po, maawa ka na po sa aming mga Pinoy! Herap na herap na kami!
Tingnan mo ang picture ko, aking tukayo at pareho pala tayong guwapo! Tingin sa taas!

Para sa mga artikulo at kuro-kuro:
Email me at:
Taemovement@pinoymail.com

Resign Now!
Para sa ikabubuti ng Bayan!

Erap, Resign now!
Gumising ka Pinoy!
Patalsikin si Erap sa Puwesto!


23221